“Ang Magulang” by: Lady Galadriel

Naisip mo ba ang paghihirap ng iyong magulang mapag-aral at mapakain ka lang? Kahit na pagod na pagod na si ina at ama magtrabaho, kinakaya nila para sayo. Ang swerte mo diba? Na meron kang ina na mahal ka at inaalagaan ka pati ama na nakikinig sa iyong kwento at mga problema.

Siyam na buwan nagtiis ng sakit ang iyong ina maisilang ka lang para makita mo ang ganda ng daigdig. Nasa sinapupunan ka pa lang ng iyong ina ay ramdam mo na ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga sayo. Habang si ama ay nagtatrabaho para sa inyo. Umiinom ng bitamina at gatas si ina upang pag sinilang ka ay malusog at masigla. Dumating na yung araw na lumalaki ka na. Natuto kang sagut-sagutin ang iyong mama at papa, sumasagot ka na din ng pabalang. Hindi mo nahahalata na nawawalan ka na ng respeto sa kanila.

Tila ba kinalimutan mo na ang mga ginawa nila para sa iyo. Pero pinabayaan ka ba nila? Iniwan ka ba? Nawalan ba sila ng pake sayo? Hindi diba? May kasabihan pa nga na “walang magulang ang nakakatiis sa anak pero ang anak nakakatiis pa sa magulang” Kahit na ganon ang iyong inasal ay nandyan pa rin sila para sa iyo.May ibang bata na lumaki na walang magulang. Ang iba ay broken family meron din mga bata na hindi kilala ang kanyang mama o papa. Paano kaya nila nakakayanan yun? Wala silang magulang para mayakap at masandalan. Bakit nila nagagawang ngumiti kahit masakit? Ang hirap diba?

Sobrang hirap mawalan ng magulang.Kung minsan napapaisip ako. Paano kung wala akong magulang? Iniisip ko pa lang ang sakit na. Walang magmamahal sa akin at mag-aalaga. Wala ring magluluto ng paborito kong ulam. Walang tutulong sa aking mga takdang-aralin. Masakit mawalan ng magulang. Kapag aalis ako walang magsasabi ng, “ingat ka anak ah?” Ang gusto lang naman ng magulang natin ay makapagtapos tayo ng ating pag-aaral. Isa ito sa mga pangarap ng iyong magulang at higit sa lahat makita kang nagmamartsa para kunin ang iyong diploma sa pagtatapos ng iyong pag-aaral. Madalas pa nga tayong pagsabihan at pagalitan tuwing umuuwi tayo ng gabing-gabi at kapag may ginawang masama.

Ginagawa nila iyon para sayo dahil gusto ka nilang protektahan at malaman ang tama sa mali.Kaya ngayon pa lang habang buhay pa ang iyong magulang ay iparamdam mo na ang pagmamahal at alagaan mo sila gaya ng pag-aalaga nila sa iyo nung bata ka pa. Gagawin lahat ng magulang makakaya nila para lang maibigay nila sa atin ang ‘the best’. Sila ang pinakamasayang magulang. Ang makita ka na may magandang buhay at may masayang pamilya. Ipakita at iparamdam mo kung gaano mo sila kamahal at kung gaano sila kaimportante. Lubusin mo na habang kasama mo pa sila dahil sa araw na sila ay mamayapa na ay magsisisi ka kung bakit hindi mo naiparamdam na mahal mo sila. Balang araw magiging magulang din tayo at mararanasan natin lahat ng naranasan nila bilang magulang. Mahalin at respetuhin natin ang ating magulang.

#angmagulang

#respetosamagulang

#mahalinmoangiyongmagulang

Author: Peps Pepz

A working mom... A mom who loves to travel .... Affectionate, practical woman, independent, determined Mom and protective as she can be...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: